Advertisers
AMINADO si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may posibilidad na magtambal ang mag-ama na sina Davao City Mayor Sara Duterte at Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 Presidential elections.
Sa isinagawang dinner-fellowship noong nakalipas na gabi na dinaluhan ng mga prominenteng political leaders sa Pangasinan, sinabi ni Panelo na walang legal impediment ang nasabing Duterte-Duterte tandem.
Puwede pa rin daw kasing tumakbo bilang bise-presidente si Pangulong Duterte sa oras na mag-expire na ang kaniyang termino sa 2022.
“The issue here is the continuity of the Duterte leadership,” ani Panelo.
Pinatunayan umano ng Pangulo ang kanilang matatag na political will upang ipatupad ang economic reforms at malinis na gobyerno sa Pilipinas, partikular na ang kampanya laban sa iligal na droga, korapsyon, krimen, pag-aalsa at kahirapan.
Ito raw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mataas ang nakukuhang approval at trust ratings ng Duterte administration.
Panatag din si Panelo na ang daughter-father tandem ay suportado ng publiko.
Hindi na raw kasi bago ang ganitong senaryo sa pulitika ng Pilipinas. Ginawa pang halimbawa ni Panelo si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na anak ng dati ring presidente ng Pilipinas na si Diosdado Macapagal. Gayundin si Benigno “Noynoy” Aquino III na anak naman ni Corazon Aquino.
Ilan sa mga lider ng Pangasinan na nagpahayag ng kanilang suporta para sa Duterte-Duterte tandem sa 2022 ay sina Presidential Adviser for Northern Luzon Secretary Raul L. Lambino, 5th District Rep. Ramon ‘Mon-Mon’ Guico III, Abono Partylist Rep. Conrad Estrella III, Vice Governor Mark Lambino, Board Members Von Mark Mendoza (2nd District), Vici Ventanilla (3rd District), Louie Sison (5th District), former Rep. and Alaminos City Mayor Arthur Celeste, Mayors Roldan Sagles (Aguilar), Anthony Penulliar (Mapandan), Joel delos Santos (Sta. Barbara), Martin Raul Sison II (Urbiztondo), Noel Geslani (Malasiqui), Rosita Rafael (Natividad), Julio ‘Rammy’ Parayno (Urdaneta City), Sangguniang Bayan Members ng Bayambang at iba pang civic leaders. (Josephine Patricio)