Advertisers

Advertisers

Ex-Baguio judge na nangingikil sa drug cases ‘guilty’

0 338

Advertisers

INALIS ng Supreme Court (SC) si retired Baguio City Regional Trial Court (RTC) Branch 61 Judge Antonio Reyes mula sa public office at tinanggal lahat ng kanyang benepisyo dahil sa paghingi ng suhol kapalit ng pagpawalang-sala at pagpayag sa plea bargaining sa mga kasong droga gayong ito’y ipinagbabawal sa sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabuking din na dinismis ni Reyes ang criminal cases motu propio kahit hindi pa tapos ang prosecution sa pagpresenta ng mga ebidensiya, at nagkaloob ng motions for reconsideration (MR) na labag sa Rules of Court.
Sa 12-page en banc resolution, inanunsyo ng SC na si Reyes ay ‘guilty’ sa administrative offenses ng ‘gross ignorance of the law’, ‘gross misconduct’, at paglabag sa Canons 1, 2 at 3 ng ‘New Code of Conduct for the Philippine Judiciary’.
Hindi pa niya narating ang retirement age habang ang disciplinary proceedings ay naka-pending, nadismis na siya sa serbisyo.
Ang parusa ay nagsimula mula sa fact-finding investigation na ginawa ni retired Associate Justice Roberto Abad, na intasan ng SC bilang tugon sa pagtukoy ni Presidente Rodrigo Duterte sa apat na nakaupong hukom na umano’y sangkot sa illegal drug trade noong August 7, 2016.
Ang imbestigasyon sa tatlong hukom ay hindi itinuloy dahil sa kakulangan ng ebidensiya, pero itinuloy ang administrative proceedings laban kay Reyes at ang judicial audit ay isinagawa sa mga kaso sa kanyang sala.
Napatunayan ng Office of the Court Administrator (OCA) ang bribery allegations nang makakuha ng affidavits sa limang testigo, anonymous letter at interviews sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), court employees, at practicing lawyers sa Baguio City na ayaw pabanggit ng kanilang mga pangalan.
Inamin ni Paul Black na nagbigay siya ng P50,000 sa umano’y bagman ni Reyes na si Norma Domingo noong October 2007 kapalit ng pagpawalang-sala sa kanyang misis. Pinatunayan ito ni Melchora Nagen na noong December 2007, ang kanyang pamilya ay nagbigay ng P50,000 para mapawalang-sala siya.
Sinabi rin ni Nagen na hiniling ni Norma na samahan siya sa pag-deliver sa judge ng P300,000 na bayad ni Richard Lagunilla para sa acquittal ng kanyang misis.
Nag-testify rin ang dating staff na si Charito Zsa Zsa Oliva na noong 2008, inatasan siya ni Reyes na kunin ang paper bag mula kay Norma. Bago iabot ang paper bag sa judge, nagawa itong silipin ni Oliva at nakita ang isang iPhone sa loob.
Sinabi rin ni Edmar Buscagan na isang Jun Alejandro ang nag-alok na ayusin ang kanyang kaso kay Reyes, pero humihingi ng P150,000, tapos P100,000, at P70,000. Pero na-convict si Buscagan dahil hindi siya nagbigay ng bayad. Isa pang fixer na si Pastora Putungan ang humirit ng P300,000 para sa reversal ng kanyang conviction, pero nabigo parin si Buscagan makapagbigay.
Pinatunayan naman ng abogadang si Lourdes Maita Cascolan-Andres na isang Edward Fangonil ang humihingi ng P300,000 para ma-reverse ni Reyes ang conviction sa kanyang mga kliyente, pero wala silang maibigay na pera.
Sa kanyang sagot, dinenay ni Reyes ang mga affidavit at sinabing ito’y “highly dubious and questionable”. Aniya, ang impormasyon ng anonymous BJMP personnel na ginamit niya si Norma bilang bagman ay “hearsay”.
Pero hindi nakumbinsi ang SC sa “hearsay rule” at sinabing ang findings ng judicial audit at affidavits na nakalap ay magkakatugma sa alegasyon .
“Clearly, respondent judge should be held administratively liable for gross misconduct since there is evident presence of corruption,” saad sa resolution.
Natuklasan sa judicial audit ng OCA ang “propensity” ni Reyes sa pagpayag sa plea bargaining sa maraming drug cases, kaya ang akusado ay tapat ma-rehabilitate sa government facilities.
Ang plea bargaining ay ipinagbabawal sa ilalim ng Section 23 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.