Advertisers
APRUBADO na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong testing at quarantine protocols epektibo simula Pebrero 1 para sa mga papayagang makapasok ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng mga pasahero mula sa ibang bansa ay obligado ng sasailalim sa facility-based quarantine pagdating ng Pilipinas.
Sinabi ni Roque, ang mga nasabing pasahero ay sasailalim sa RT-PCR test sa ikalimang araw sa bansa, maliban na lamang kung ang isang pasahero ay magpapakita ng sintomas ng COVID-19 ng mas maaga habang nasa quarantine.
Matapos mag-negatibo ang resulta ng pasahero, ieendorso na ito sa uuwiang local government unit kung saan nito kokompletuhin ang 14-day quarantine at mahigpit itong imo-monitor ng LGU. (Vanz Fernandez)