Advertisers
INILANTAD na ng kapulisan ang pambibiktima ng NPA sa mga manggagawa at modus operandi nilang pagpapasara ng mga kumpanya.
Inihayag ni NCRPO chief MGen. Vicente Danao Jr. Danao, bumubuo ng mga samahan ng mga empleyado ang NPA sa mga pribadong kumpanya at hinihikayat ang mga ito na mag-welga para maipasara ang kumpanya.
Ayon pa kay Danao kumukubra ang naturang makakaliwang grupo ng 10 porsyento sa sahod ng mga manggagawa at kukuha rin ng 25 porsyento ng separation pay ng mga manggagawa kung maipasara ang kumpanya.
Giit pa ni Danao bagama’t nakakubra ang mga manggagawa ng malaking pera sa kanilang separation pay mula sa kumpanya, ngunit nawalan naman sila ng trabaho kung magsara ang mga ito.
Ang paglalahad ni Danao sa aktibidad ng NPA sa labor sector ay kasunod ng pagkakalantad ng malawakang recruitment activities ng NPA sa mga unibersidad na sinisilip ngayon ng militar at pulis. (Josephine Patricio)