Advertisers

Advertisers

“WALANG SACRED COWS SA MAYNILA” – ISKO

Ang batas ay para sa lahat:

0 316

Advertisers

“ANG batas ay para sa lahat at walang sacred cows sa Maynila.”

Ito ang deklarasyon ni Mayor Isko Moreno, kasabay ng direktiba nito na gibain ang lahat ng mga barangay outpost na itinayo sa mga ipinagbabawal na lugar bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaang lungsod laban sa lahat ng uri ng obstruction.

Nanawagan din si Moreno sa lahat ng punong barangay na gawing ehemplo ang kanilang sarili at boluntaryo nang gibain ang lahat ng mga iligal na istruktura sa kanilang nasasakupan at huwag ng hintaying ang pamahalaanh lungsod pa ang gumawa nito.



Ang pahayag ng alkalde ay kasunod nang ginawang pagwasak ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa ilalim ni City Engineer Armand Andres sa isang outpost na pagmamay-ari ng Barangay 619 sa Sta. Mesa.

Ang nasabing outpost ay itinayo sa mismong bangketa at nanatiling nakatayo sa loob ng ilang taon, ayon kay Andres.

Sinabi ni Moreno na ang ginawang paggiba sa outpost ay dahil sa reklamo na nagsisilbing obstruction o sagabal ang istruktura sa mga residente na napipilitang maglakad sa kalsada sa halip na sa bangketa.

Ang demolition ayon kay Andres ay bahagi ng patuloy na clearing operations na utos ng alkalde, ‘kahit na sino pa ang tamaan.’

Nagsagawa rin ng demolition si Andres at ang kanyang tauhan sa mga lugar sa Sta. Mesa at Sampaloc.



Maliwanag ang utos ni Moreno na nais niyang ang lahat ng kalye at daan ay malinis sa lahat ng uri ng obstruction at iligal na istruktura at binigyang diin na ang mga kalye at bangketa ay para gamitin ng publiko. (ANDI GARCIA)