Advertisers
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkuha ng 195 na mga Immigration Officers para pandagdag sa bilang ng mga personnel na nakatalaga sa international airport at seaport sa buong bansa.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na bukas na ang aplikasyon para sa Immigration Officer I sa pamamagitan ng kanilang website.
Ang iba pang bakanteng posisyon ay isang Attorney 4, at isang Attorney 3 para sa kawanian.
Ayon kay Morente, ang isang Immigration Officer 1 na may salary Garde level 11 ay kinakailangang graduate ng apat na taon na kurso at pumasa sa Career Service Professional Second Level Eligibility mula sa civil service.
Ayon pa kay Morente, kapag pumasa ang isang aplikante, kinakailangan itong sumailalim sa Center for Training and Research (CTR) bago i-deploy.
“We are looking at conducting a virtual training for the new immigration officers,” dagdag pa ni Morente.
Noong nakakaraan, ang mga bagong immigration officers ay tumira sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga kung saan sumailalim sila sa dalawang buwan na training sa immigration laws and procedures bago sila dinala sa iba’t-ibang tanggapan bilang on-the-job trainees.
Pero dahil sa pandemya, plano ng BI na isasagawa na lamang ito sa virtual training.
“Despite this limitation, we will make sure that hired immigration officers pass the course first before being deployed,” saad ni Morente. “We want to hire the cream of the crop, to professionalize the Bureau,” ayon pa kay Morente.
Sa mga interesado, magtungo lamang sila sa kanilang website sa careers.immigration.gov.ph para mag-apply. (Jocelyn Domenden)