Advertisers
NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 34 manlalayag sa isang nasunog na barko sa baybayin ng Panganiban, Catanduanes.
Ayon sa PCG, kabilang ang 22 Indonesians, 10 Koreans at 2 Filipino sa sakay ng nasunog na barkong FV No.96 Oyang .
Ayon sa mga tripulante, umalis ang barko sa Busan South Korea patungong Montevideo, Uruguay para sa isang fishing operation nang napansin ang makapal na usok na nagmumula sa engine room hanggang sa magkaroon ng malaking sunog.
Matapos ideklara ng kapitan ang abandon ship, agad na nakipag-ugnayan sa PCG upang matulungan ang nasabing mga marino at dinala sa Cebu port.
Dumaan naman swab testing ang mga marino bago dinala sa mga quarantine facility. (Jocelyn Domenden)