Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,169 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Enero 28.
Samantala ay mayroon namang naitalang 60 na gumaling at 71 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.4% (33,427) ang aktibong kaso, 91.5% (475,596) na ang gumaling, at 2.03% (10,552) ang namatay.
Bahagya namang bumaba ang mga naitatalang mga kaso sa ilang mga probinsya o siyudad sa bansa kung saan ang Quezon City ay nakapagtala ngayong araw ng 57 kaso lamang. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)