Advertisers

Advertisers

Mister at kabit huli ni misis, pinakulong

0 485

Advertisers

HINDI na umabot sa masayang lambingan sa Valentine’s day ang magkalaguyo na dating OFW at kasambahay nang mahuli sa akto ni misis sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Malaking Bato, Barangay Mabatang sa bayan ng Abucay, Bataan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Alex de Guzman, 42, dating seaman, residente sa nabangit na Sitio; at karelasyon nito na si Karen Libanan, 32, na anim na buwan buntis, housemaid, ng Brgy. Salian Abucay.
Sa report, 4:30 ng hapon nang arestuhin ang magkalaguyo matapos ireklamo ni Marlina de Guzman, 44, asawa ni Alex.
Ayon sa ulat, labis na ikinagalit ni Marlina nang abutan niya sa loob ng kanilang tahanan ang magkalaguyo, kungsaan nahulihan pa ng cal.45 na baril si Alex na walang kaukulang dokumento.
Humihimas na ng malamig na rehas ang magkalaguyo habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.
(Thony D. Arcenal)