Advertisers

Advertisers

No. 1 MOST WANTED SA LAGUNA TIMBOG!

0 546

Advertisers

LAGUNA – Bumagsak din sa mga kamay ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT) at Sta. Cruz PNP ang most wanted person na mahigit apat na taon nagtago sa batas sa Sitio 4, Barangay Oogong, Sta. Cruz sa lalawigang ito.
Sa ulat ni PLt. Col. Gaoiran, hepe ng pulisya, kay Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Petalio II, nakilala ang naaresto na si Edilberto Balatian Jr, 37, Grab driver, ng Vista Verde Subdivision, Bgy. Caybiga, Caloocan City na pansamantalang naninirahan sa Bgy. Oogong.
Si Balatian ay nahaharap sa patung-patong na kaso na kinabibilangan ng Qualified Rape (2 counts), paggahasa sa kanyang stepdaughter na menor de edad sa bayan ng Sta. Cruz noong 2019.
Bukod dito, may nakabinbin pang kaso ito ng carnapping matapos tangayin ang kotseng Hyundai Accent na pag-aari ng kanyang hipag noong 2016, Reckless Imprudence Resulting to Homicide (RIR) sa Ermita, Manila noong Nobyembre 2020 nang mabundol-patay niya si John Paul Alindogan.
Naaresto si Balatian 1:45 ng hapon nitong Miyerkoles nina PMSgt. Rex Cabrera, PCpl. Algy Riguer, PCpl. Melvin Belen at PHPT Team Leader PCMS Aldwin Blaza.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Sta. Cruz. – DICK GARAY