Advertisers

Advertisers

Pumuporma na si DPWH Sec. Mark Villar for 2022

0 563

Advertisers

HINDI man nagsasalita si Public works Secretary Mark Villar tungkol sa plano niya sa 2022 elections ay nababasa naman sa kanyang mga galaw ang posibilidad na pagtakbo uli niya sa politika.

Oo! Kapansin-pansin ang bumabahang mga post nga-yon sa Mark Villar account sa Facebook. Ipinakikita rito ang kanyang mga nakumpleto at mga plano pang proyekto as DPWH chief.

Dating mambabatas ng Parañaque City si Villar bago italaga ni Pangulong Rody Duterte sa Department of Public Worls and Highways (DPWH), ang isa sa pinaka-korap na ahensiya ng pamahalaan.



Si Villar ay panganay? na anak ni dating Senate President at 2010 Presidentiable Manny Villar, ang pinakamayaman sa buong Pilipinas at pasok sa Top 500 bilyonaryo sa buong mundo.

Ang kanyang ina ay si Senadora Cynthia na hindi nalalaglag sa top 2 sa mga survey.

Ang kanyang misis naman na anak ng isang retired PNP General ay Undersecretary ng Department of Justice (DoJ), si Em Aglipay-Villar na dating kinatawan ng Diwa Partylist sa Kongreso.

Personally, ‘di ko kilala si Mark. Pero sigurado ako na katulad ng kanyang mga magulang, magiging magaling na lider ng bansa itong batang Villar kapag binigyan ng masa ng pagkakataon.

Sa napapansin ko sa mga post ng Mark Villar sa FB, kakasa ito sa 2022, malamang ay Bise Presidente. Posibleng siya ang maging running mate ni “Inday” Sara Duterte-Carpio o ng kung sino man ang iendorso ni Digong sa pagka-pangulo. Mismo!



***

Napakalaking problema ang iiwanan ng Duterte administration sa sunod na pangulo ng bansa.

Mahigit P10 trillion na utang, halos 8 million jobless, at lugmok na ekonomiya ng bansa. Ito ang papasanin ng sunod na presidente ng Republika ng Pilipinas simula sa Hulyo 1, 2022.

Kaya dapat ay makapili tayo ng magaling na kandidato sa pagka-Presidente, hindi yung nangangako ng 3 to 6 months, nagbabanta, nagmumura, naghahamon, pero inutil pala!

Ang mga posibleng kumasa sa Presidential derby ay sina Vice President Atty. Leni Robredo, Senador Manny Pacquiao, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Sen. Bong Go, ex-Sen. Bongbong Marcos, Sen. Grace Poe, Sen. Cynthia Villar (kung ‘di tatakbong Bise si Mark), at ang bilyonaryong presidente ng San Miguel Corp. na si Ramon S. Ang.

Sa Vice Presidentiable ay sina ex-Sen. Antonio Trillanes, Senate Pres. Tito Sotto, Cong. Alan Peter Cayetano at ito ngang si Mark Villar.

Speaking of Ramon S. Ang na kung tawagin nila ay RSA, tulad ni Sec. Villar ay masyado naring maingay ito ngayon sa social media.

Panay narin ang post ng isang Peter Ng na tumatayong organizer ng mga nagtutulak kay RSA para kumasa sa 2022.

Ipinakikita sa mga post para kay RSA ang mga ginawa nitong skyways at mga plano pang malalaking proyekto na mag-aangat sa imahe ng bansa bilang developing country.

Si RSA ay taga-Tondo at dating “bata” ni yumaong Danding Cojuangco, ang crony ni late dictator Ferdinand Marcos.

Bakbakan talaga itong 2022. Watchout!