Advertisers

Advertisers

Bong Go: Mga Pinay ibinebenta, ginagahasa sa Syria; DOFil muling iginiit

0 261

Advertisers

GALIT na galit si Senator Christopher “Bong” Go sa ulat na pagpupuslit sa mga Filipina sa Syria para lamang ibenta at pagparausan ng kanilang mga nagiging amo.

Dahil dito, muling iginiit ni Sen. Go ang kanyang panukala na lilikha sa Department of Overseas Filipinos (DOFil) na siyang magbibibigay proteksyon sa OFWs.

“Bagong bayani kung ituring natin sila na halos sampung porsiyento ng ating populasyon. Sana naman ay suklian natin nang mas maayos at mas mabilis na serbisyo ang kanilang sakripisyo para sa kanilang pamilya at sa bayan,” pahayag ni Go.



“Ayaw ko talagang makitang merong mga OFWs natin na naaabuso, lalo na nasa malalayong lugar sila. Sa mga nang-aabuso ng kapwa tao, dapat sa inyo putulan ng…!,” ang galit na sabi pa niya.

May lumabas na ulat sa Washington Post hinggil sa isang Filipina na si Josephine Tawaging na magpupunta sana sa Dubai para magtrabaho pero nakarating sa war-ravaged Syria at ibinenta.

Kaya nang makarating sa kanya ang balitang ito ukol kay Tawaging at sa iba pang Filipinos na posibleng dumaranas ng mapait na karanasan, agad nakipag-ugnayan si Go sa concerned government agencies upang mailigtas ang ating mga kabababayan na biktima ng human trafficking Syria.

“Makikipag-ugnayan ako sa mga kinauukulang departamento at ahensya ng ating pamahalaan para sa agarang pagsaklolo sa mga kababayan nating naaabuso sa bansang Syria,” ani Go.

“Kung kailangang imbestigahan ang modus na ito o kung merong sindikato na nasa likod nito, dapat gawin na ito upang maiwasan ang mga kasong ito,” aniya pa.



Nabatid na nagsasagawa naman ang Department of Foreign Affairs ng pagsisiyasat sa mga staff ng embassy sa Syria dahil sa kanilang masamang trato sa mga Filipino na nakikituloy sa kanila.

Matatandaan na upang mapalakas ang proteksyon sa overseas Filipinos, ipinasa ni Sen. Go ang Senate Bill No. 1949, mas kilala bilang DOFil Act of 2020.

Ang nasabing bill na magtatatag sa

DOFil ay isa sa priority measures ng administration.

“One of the main features of my proposed DOFil bill is the one country-team approach,” ani Go. “This requires all officials in Philippine diplomatic posts to act together as one team, regardless of their mother agencies, in the country of assignment, in protecting the rights and advancing the welfare of Filipino migrant workers there, with guidance from the Department of Foreign Affairs and the Philippine Foreign Service Posts.”

“Kapag naitatag na po ang DOFil, maaasahan niyo po na mas mabilis mapo-prosecute at maipakukulong ang lahat ng mga sangkot sa trafficking in persons dito sa Pilipinas,” ayon sa senador.

“Kung in distress ang isang Pilipino abroad, kadalasan, hindi nila alam kung saan lalapit para humingi ng tulong. Minsan sa radyo, meron sa Facebook. Pero kung merong one country-team approach tayo, alam ng mga kababayan nating humihingi ng tulong kung saan pupunta,” ani Go.

Nanawagan siya sa ating mga kababayan na nais magtrabaho sa ibang bansa na huwag magpapaloko sa mga taong nagsasabi na pwedeng magtrabaho abroad gamit ang visit visa lamang.

“Ang mga nalokong kababayan natin sa Syria ay pumasok ng Middle East gamit lang ang isang visit visa. Dumaan po tayo sa tamang proseso ng pag-register sa POEA at sa mga licensed recruitment agencies para hindi po mangyari ito sa atin,” sabi ng mambabatas. (PFT Team)