Advertisers
HANDA si Manila Mayor Isko Moreno na magpabakuna kontra COVID19 sa harap ng publiko kahit pa ang ituturok sa kanya ay Sinovac vaccine basta inaprubahan ito ng gobyerno.
Sinabi ng alkalde na
“half-hearted” siya sa Sinovac pero nagbago ang kanyang opinyon nang kaparehas na vaccine ang ibinigay kay Indonesian President Joko Widodo.
Ang bakunang Sinovac ay gawa ng Sinovac Biotech ng China.
“This is now my personal belief. Sertipikahan ng FDA (Food and Drug Administration) at ng mga espesiyalista ng ating bansa na ito ay ligtas at nagkamit ng EUA (emergency use authorization), anuman ang product na ‘yan, kahit saan pa sila galing, at ‘yung ating mga espesiyalista have affixed their name and signature there, ituturok ko sa katawan ko,” sabi ng alkalde.
Ayon pa kay Moreno, tulad ng “principle of temperature” , kahit anong bagay na mas mataas sa 0 ay positibo.
“So if I will have 50 percent protection for my body if I’m going to be infected by COVID-19, it is still better than zero,” sabi ni Moreno.
“Kung gusto natin ng katapatan at nanghihikayat tayo ng iba, ng mga kababayan natin, let’s show them that you’re going to shoulder also some level of risk, the same thing na nararamdaman ng ating mga mamamayan,” dagdag pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)