Advertisers

Advertisers

Magalong nagbitiw as contact tracing czar

0 259

Advertisers

NANINIWALA si National Task Force Against COVID-19 Chief implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez at National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Sec. Vince Dizon na malaki ang naging sakripisyo ni Baguio City Benjamin Magalong bilang contact tracing czar lalo na noong nagboluntaryo ito sa task force para tumulong sa gobyerno at sa Department of Health (DOH).
Ito ang naging reaksyon ni Galvez sa pagbisita ng COVID-19 Vaccine Code Team sa lungsod ng Maynila kung saan nagpahayag din na ikinalungkot nila ang naging desisyon ni Magalong.
Ayon kay Galvez, muling umunlad ang turismo sa Baguio City na isa sa lubhang naapektuhan ng pandemiya dahil na rin sa tulong ni Magalong.
Aniya, dapat makita ng publiko ang mga nagawa ni Magalong para tulungan ang gobyerno at hindi lamang sumentro sa isang pagkakamali.
Hindi naman tinanggap nina Galvez at Dizon ang pagbibitiw ni Magalong bilang contact tracing czar dahil kapwa naniniwala ang mga opisyal na malaking tulong ang ginagawa nito sa kinakaharap na sitwasyon ng bansa dahil sa Covid-19.
Una nang inihayag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa media forum ng DOH na tiwala rin ang buong kagawaran sa kakayahan ni Magalong kaya naman naniniwala silang mas kailangang manatili ito sa kanyang posisyon bilang contact tracing czar. (Jocelyn Domenden)