Advertisers
ILALAHAD at tatalakayin ng MILO at ng Department of Education ang bagong programang pakay i-promote ang ehersisyo sa mga bata habang nasa home-based learning ang mga ito dahil sa pandemya.
Magiging bahagi ang MILO Champion Habit sa P.E. curriculum bilang pagsuporta ng bansa sa blended learning program.
Tampok sa magiging panauhin sa TOPS Usapang Sports On Air sa darating na Huwebes, ika-4 ng Pebrero sa pangunguna nina Lester P.Castillo, ang Assistant Vice President ng Nestlé Philippines-MILO, Undersecretary Revsee A. Escobedo ng Department of Education at si JapoyLizardo, ang MILO Champion.
Tatalakayin sa TOPS zoom session na live sa Facebook at social media ang nakapaloob sa MILO Champion Habit
Anunsiyo, ang Active Kids are Better Learners; detalye ng MILO Champion Habit program at ang Partnership sa DepEd.
Kasunod nito ang mensahe mula kay DepEd Usec. Escobedo.(Danny Simon)