Advertisers

Advertisers

Negosyante kulong sa kasong Cyberlibel ni Sec. Diño

0 207

Advertisers

INARESTO ng Regional Anti-Cyber Crime Unit-7 sa bisa ng warrant of arrest ang isang businessman dahil sa kasong Cyberlibel na isinampa ni OPAV Secretary Michael Diño.
Kinilala ang naaresto na si Santiago Go, 44 anyos, residente ng Barangay Banilad, Cebu City.
Pinapakalat pa umano ni Go sa online messaging app ang mga pekeng impormasyon na ibinenta ni Diño sa Cebu City government ang mga COVID-19 test kits na donasyon mula sa South Korea sa pamamagitan ng Cristina Diño Foundation.
Nahaharap si Go sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.