Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na hindi na ie-extend ng Pilipinas ang travel restrictions sa mga biyahero mula sa mahigit 30 bansang nakapagtala ng mga kaso ng COVID-19 new variants.
Ang naturang travel restrictions ay nakatakdang magpaso sa Enero 31, araw ng Linggo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga foreigners na hindi pinapayagang makapasok ng bansa kabilang na ang mga tourist visa holders ay mananatiling bawal sa pagpasok sa Pilipinas.
Kabilang sa mga pinapayagang makapasok ng bansa ang banyagang magulang ng mga menor de edad ng Pilipino, foreign parent ng mga batang Pilipinong may special needs, mga miyembro at opisyal ng accredited foreign government and international organizations kasama ang kanilang mga dependents dependents, foreign airline crew members, foreign seafarers na may kaukulang visa at mga foreigners na may long-term and investor visas.
Unang ipinatupad ang travel restrictions noong Disyembre 24 sa mga biyahero mula sa United Kingdom (UK) hanggang pinalawak ito sa 33 pang mga bansa. (Josephine Patricio)