Advertisers

Advertisers

PACC Chair Jimenez pumanaw na sa edad 68

0 239

Advertisers

Pumanaw na si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez sa edad na 68-anyos dahil sa aortic aneurysm nitong Biyernes ng gabi.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya, mahal sa buhay at katrabaho ni Jimenez.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ginugol ni Jimenez ang kanyang buhay sa pagsusulong ng patas at mapayapang lipunan sa pamamagitan ng paglaban sa kriminalidad at korupsyon.
Sinabi ni Roque, naniwala at sinuportahan ni Jimenez ang centerpiece program ni Pangulong Rodrigo Duterte na kampanya laban sa iligal na droga, krimen at korupsyon.
Matatandaang bago maging opisyal ng PACC, unang nakilala ang pangalan ni Jimenez sa pagtatatag ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).
Si Jimenez rin ang pumalit sa kapwa Bicolano nitong si Vice-President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). (Vanz Fernandez)