Advertisers
DINUKOT at pinatay ang dalawang magsasaka ng mga pinaniniwalaang kasapi ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Sagrada, Balatan, Camarines Sur, Lunes ng umaga.
Ang dalawang nasawi sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang sina Manuel Bataller Bino, 51 anyos; at Elmer Lomitao Aguila, 61, kapwa may-asawa at residente ng nasabing barangay.
Sa ulat, 5:00 ng hapon nang dumating ang limang armadong lalaki na pinaniniwalaang mga kasapi ng NPA at pinuntahan ang dalawang biktima sa kani-kanilang bahay at sapilitang isinama ang mga ito sa bundok at doon pinagbabaril.
Kinagabihan na nang makuha ng mga kaanak ang bangkay ng mga biktima.