Advertisers
HALIFAX, Nova Scotia – Narekober na nitong Lunes, Pebrero 1, 2021, ang apat na Filipino seafarers na pawang crew ng bulk carier MV Giulia, subalit isa rito ang nasawi at malubha ang tatlo matapos hampasin sila ng dambuhalang alon dahil sa masamang panahon habang nagtatrabaho sa barko noong Sabado, Enero 30, sa Nova Scotia habang patungo ng Africa galing ng Virginia.
Kinilala ang namatay na tripulante na si Jake Agarri Marinduqe, nasa hustong gulang, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong kasamahan na pawang sugatan.
Ayon sa report ni Karl Risser, inspector ng International Transport Workers Federation (ITF), nakatanggap siya ng distress call matapos na mag-divert ang barko sa lugar ng Halifax noong Sabado, at dumating ng madaling-araw ng Lunes.
Nagsasagawa narin ang Transport Canada, ang pangunahing nag-iimbestiga, ng port state control inspection at kanila narin tinitingnan kung nakakasunod sa Maritime Labour Convention ang nasabing barko, upang masigurong ipinatutupad dito ang crew wellness and rights ng mga tripulante.
Inaasahan naman na agad maiuuwi ang labi ni Marinduque at ang mga nasugatang kasamahan sa Pilipinas. (Jose “Koi” Laura)