Advertisers

Advertisers

7-M voter accounts burado, deactivated na

0 387

Advertisers

TINATAYANG nasa halos 7 milyong botante ang deactivated na ang kanilang accounts sa Comelec dahil sa non-participation sa dalawang magkasunod na halalan o sa iba pang mga kadahilanan, ayon kay Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon.
Ayon kay Guanzon, sa naturang bilang tanging 700,000 indibidwal lamang ang nagpa-reactivate ng kanilang records sa poll body.
Bukod sa hindi nakaboto sa dalawang nakalipas na halalan, sinabi ni Guanzon na kasama sa halos 7 million deactivated accounts ay iyong mga posibleng pumanaw na o nagbago ng kanilang citizenship.
Nabatid na ang Comelec ay target na magkaroon ng 4 million na bagong botante para sa susunod na taon.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nasa 1.3 million pa lang ang voter application sa ngayon para sa nalalapit na halalan.
Sinabi ni Jimenez na ang September 30 deadline para sa voter registration ay maaring hindi na mapalawig pa dahil ang filing ng certificates of candidacy ay nakatakdang magsimula na sa Oktubre.
Sa kabilang banda, inanunsyo naman ni Guanzon na sa Marso 31 ang deadline ng poll body para sa registration ng mga party-list groups na lalahok sa 2022 elections.
Hindi aniya tatanggapin ang motion for reconsideration kapag hindi umabot ang mga party-list groups sa naturang deadline.
Ang proof of publication naman aniya ng mga ito ay kailangan na isumite bago sumapit ang buwan ng Nobyembre ng taong kasalukuyan. (Josephine Patricio)