Advertisers

Advertisers

7:00AM HOLDAP: JEWELRY STORE PINASOK, P1-M PERA AT ALAHAS TANGAY!

0 256

Advertisers

TINANGAY ng tatlong armadong magnanakaw ang tinatayang nasa P1 milyon halaga ng mga alahas at pera mula sa isang jewelry shop sa Recto, Maynila nitong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa may-ari ng Dulo’s Jewelry na si Dulo Cai, isang Filipino-Chinese, na kabubukas lamang niya 7:00 ng umaga ng kanilang tindahan na matatagpuan sa Recto Avenue, sa pagitan Torres St. at Rizal Avenue, nang pumasok ang isang lalaki.
Sa kuha ng CCTV footage ng jewelry store, may dalawa pang lalaki na posibleng kasabwat at nagsilbing look out at sumenyas na nag-iisa lamang ang biktima.
Ayon pa kay Cai, tinutukan siya ng baril ng lalaki kaya hindi na siya pumalag pa.
Kasunod nito, tinangay ang bag ni Cai na naglalaman ng cash na kalahating milyong piso bukod pa sa mga gintong alahas na nagkakahalaga rin ng kalahating milyong piso.
Sinubukan pa ng mga tambay sa jewelry store at guwardiya ng katabing hotel na sumaklolo sa biktima ngunit tinutukan rin sila ng baril.
Nagkaroon pa ng bahag-yang habulan dahil may ilang residente sa lugar ang humabol sa magnanakaw pero hindi na nila ito naabutan. Sumakay ang holdaper ng motorsiklo.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya. (Jocelyn Domenden)