Advertisers

Advertisers

Covid update: 130 gumaling; 68 nasawi; 1,266 bagong kaso

0 336

Advertisers

MAS mababa ngayon ang naitalang bagong kaso ng Covid-19 ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Enero 3.
Batay sa pinakahuling datos, nasa 1,266 lamang ang bagong kaso ngayong Pebrero 3 kumpara kahapon na nasa mahigit 1,500.
Samantala ay mayroon namang naitalang 130 na gumaling at 68 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.9% (31,455) ang aktibong kaso, 92.0% (487,721) na ang gumaling, at 2.06% (10,942) ang namatay.
Isang duplicate naman ang inalis mula sa total case count at ito ay recovered case.
Mayroon ding 19 kaso na naitag nilang recovered ang nareclassify bilang deaths matapos ang final validation.
Samantala, pitong laboratoryo ang hindi nakapagdumite ng kanilang datos sa Covid-19 Data Repository System (CDRS). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)