Advertisers
INAASAHANG magpulong ngayong linggo ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang University of the Philippines (UP) kaugnay sa 1992 agreement para rebyuhin ang nasabing kasunduan.
Pahayag ni DILG Spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya, ang DILG mismo ang nagpatawag ng nasabing pulong para magkaroon ng kalinawan at tugunan ang mga isyu na dapat mabigyan ng pansin.
Ayon kay Malaya, dapat muna nilang rebyuhin ang DILG-UP 1992 accord at saka pagdesisyunan kung tuluyan na itong ipawalang-bisa.
Sinabi pa ng opisyal na ang 1992 agreement ay kailangan magkaroon ng regular meetings ang dalawang partido para talakayin ang pagpapatupad sa nasabing kasunduan.
Aniya, matagal ng hindi nakapagpulong ang UP-DILG Joint Monitoring Tea na dapat dalawang beses sa isang taon magpupulong ang dalawang partido.
Tatalakayin sa nasabing pulong ang assessment sa seguridad sa UP lalo na ngayon at marami ng mga residential units sa lugar at maging mga business establishments at may mga informal settlers na rin sa loob mismo ng UP campus partikular sa UP Diliman.
“The non-academic areas in UP have increased through the years and crimehas been increasing, thus we need to discuss ways on how we can maintain peace and order in those areas,” wika ni Usec. Malaya.
Dagdag pa ni Malaya, kanila rin pag-uusapan ang patuloy na recruitment ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng kanilang front organizations sa mga estudyante ng UP na siyang naging dahilan ng Department of National Defense na ipawalang bisa ang UP-DND agreement. (Josephine Patricio)