Advertisers
AYOS na sana para sa waiter na si alyas “Tony” ang iPhone na nakita niyang ibi-nebenta ng isang seller sa Facebook noong Sabado.
Sa preysong P6,500, mabibilhan na aniya ng iPhone 11 ang 8-taon gulang niyang anak pa magagamit sa online class nito. Karaniwang nasa P40,000 hanggang P50,000 ang presyo ng nasabing phone.
Pero pagdating ng gadget kinabukasan, hindi ito magamit ni “Tony” dahil peke pala.
“‘Di parin siya nagcha-charge hanggang sa uminit na ang phone. Tapos hindi na namin mabuksan,” ani “Tony.”
Nang i-chat ni “Tony” ang seller na may pangalang “Julie Hang” sa Facebook, sinabihan lang siya nito na kalikutin ang cellphone at i-charge.
Matapos sabihin ni “Tony” na hindi ito umubra, hindi na siya sinagot ng seller at na-block pa sa Facebook.
Tinulungan si “Tony” ng mga pulis at isang kaibigan na mag-order ulit ng cellphone sa seller nitong Martes, na nauwi sa pagkakaaresto sa delivery rider na si alyas “Tom” sa Las Piñas.
Pero depensa ng private rider, isang linggo pa lang si-yang nag-sideline para sa seller.
Sasampahan si “Tom” ng kasong estafa.
Kasama rin sa reklamo ang kapwa at-large na sina Julie Hang at ang rider na nag-deliver ng unang cellphone kay “Tony.”
Nanawagan ang Las Piñas Police sa ibang biktima na makipag-ugnayan sa kanila.