Advertisers
ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng drum sa bayan ng Mabitac, Laguna.
Blangko pa ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng lalaki na tinatayang nasa 30 hanggang 40-anyos.
Sa ulat, napansin ng nakakitang residente ang drum malapit sa isang creek kung saan nagmula ang masangsang na amoy.
Nakasimento ang loob ng drum kaya binakbak na ito ng mga taga-barangay at nadiskubre ang katawan ng tao sa loob nito. Mayroon itong tama ng bala sa bibig, dibdib at likuran.(Dick Garay)