Advertisers
NIYANIG ng 5.1 magnitude na lindol ang karagatan ng Camarines Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong umaga ng Biyernes.
Sa ulat, ang sentro ng lindol ay malapit sa Tinaga Island bandang 6:00 ng umaga.
Una itong idineklarang 5.4 magnitude ngunit ibinaba sa 5.1 magnitude na may origin na tectonic.
Naramdaman ang intensity 4 sa Capalonga, Camarines Norte habang intensity 2 sa Goa at Naga City, Camarines Sur; at Calauag, Quezon province.
Intensity 1 naman sa Cainta, Rizal.
Nakapagtala rin ng instrumental intensities sa Metro Manila at Bulacan at iba pang parte ng Quezon at Camarines Norte.
Nagbabala ang Phivolcs sa posibilidad ng aftershocks ngunit walang pinsalang inaasahan.