Advertisers
BINAALOT ng takot ang mga residente sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija nang matagpuan ang isang highly-explosive hand grenade sa harapan ng gate ng bahay ni Mayor Sylvia Austria sa Barangay San Jose, Sabado ng madaling-araw, Pebrero 6.
Ayon kay Major Baltazar Corpuz, hepe ng Jaen Police Station, 6:27 ng umaga nang ipagbigay-alam sa pulisya ang nakitang granada sa harapan ng gate ng bahay ni Austria.
“Sa ngayon mayroon na kaming inisyal na CCTV footage na talagang initsa ‘yun hand grenade sa oras na 2:34 ng madaling-araw, ng Sabado,” pahayag ni Maj. Corpuz.
Sa inisyal na report ng EOD, hindi sumabog ang granada dahil isa lamang ang naalis na pin.
Sa eksplanasyon ng EOD, ayon kay Corpuz, kung sakali nasa humigit-kumulang sa 15-metro ang lakas ng magiging pagsabog. May posibildad din aniyang mawasak ang gate ng bahay ng mayora.
Nagkasa na ang pulisya ng ‘Oplan-Sita’ o checkpoint sa bayan, base narin sa atas ni Col. Jaime O. Santos, ang provincial director.
Pinag-aaralan ang mga nakalap na CCTV footage para makilala ang riding-in-tandem na naghagis ng granada