Advertisers

Advertisers

Covid update: 11,388 gumaling; 70 nasawi; 1,790 bagong kaso

0 190

Advertisers

SA pamamagitan ng Oplan Recovery o lingguhang paglilinis sa mga datos na naitatala ng Department of Health (DOH) ay umakyat na sa kabuuang bilang na 499,798 ang recoveries sa Covid-19 matapos na madagdagan ng nasa 11,388 na gumaling sa sakit nitong Linggo, Pebrero 7.
Samantala ay mayroon namang naitalang 1,790 na bagong kaso at 70 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.9% (26,333) ang aktibong kaso, 93.0% (499,798) na ang gumaling, at 2.08% (11,179) ang namatay.
Isa naman ang tinanggal sa total case count habang 55 kaso ang nai-tag na recovered ang na-reclassify bilang deaths matapos ang final validation.
Muli namang dumami ang mga laboratoryo na bigong makapagsumite ng kanilang datos sa CDRS. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)