Advertisers

Advertisers

DOH: Wala pang community transmission ng bagong COVID-19 variant

0 208

Advertisers

MULING iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pang nangyayaring community transmission ng bagong variant ng Covid-19 sa bansa.
Ayon sa DOH, wala pang matibay na ebidensya na nagsasabi na mayroon nang pagkahawa-hawa ng UK variant sa mga komunidad matapos na makapagtala ng walong bagong kaso ng B.1.1.7 variant.
Patuloy naman ang koordinasyon ng kagawaran sa mga local governments units o LGUs lalo na sa Cordillera Aministrative Region o CAR upang matugunan ang sitwasyon.
Sa ngayon umabot na sa kabuuang 25 ang kaso ng UK variant sa bansa kabilang dito ang walo mula sa Bontoc, Mountain Province.
Ayon sa mga eksperto ang UK variant ay 70 porsyentong transmissible o mas mabilis makahawa ngunit ang mode of transmission nito ay katulad din sa Covid-19. (Jocelyn Domenden)