Advertisers

Advertisers

Mag-asawang caretaker kinatay na parang baboy

0 337

Advertisers

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang katiwala nang gilitan at pagtatagain ang mga ito sa kanilang tahanan sa Barangay Hacienda, Bugallon, Pangasinan.
Kinilala ang mga biktima na sina Obaldo Rodrigo, 54 anyos; at misis niyang si Wilma, 58, mga residente sa lugar.
Sa ulat, 5:00 ng umaga nang madiskubre ng loader operator na si Pascasio Salamat, residente rin sa lugar, ang krimen.
Natagpuang naliligo sa sariling dugo si Obaldo habang nakahandusay sa labas ng kanilang tahanan at may hiwa sa leeg na tadtad pa ng mga taga sa katawan na halos ikaputol ng braso nito, at ang bangkay naman ng misis ay tadtad ng taga sa mukha at tagilirang bahagi ng katawan sa loob ng bahay.
Ayon sa pulisya, matalim na itak ang ginamit sa pagpatay sa mag-asawa at dalawang “persons of interest” na ang masusi nilang iniimbestigahan sa krimen.
Nabatid na kapwa caretaker ang mag-asawa ng isang malawak na lupain sa lugar.