Advertisers

Advertisers

70 percent ng NCR posible mabakunahan kontra COVID-19

0 236

Advertisers

KAMPANTE ang mga eksperto ng OCTA Research Team na 70% ng populasyon sa National Capital Region (NCR) ang matuturukan ng bakuna laban sa coronavirus disease ngayong taon.
Pahayag ni Professor Guido David, kung basehan daw kasi ang kabuuang populasyon sa tatlong areas sa NCR ay halos kalahati na ito ng populasyon sa Pilipinas.
Nakikita rin aniya nitong advantage ang mga makabagong health facilities sa bansa at ang well-structured na local government system.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70% ng populasyon sa bansa upang maabot ang herd immunity laban sa COVID-19.
Giit pa ni David na hindi ito kayang gawin sa loob lamang ng isang taon dahil marami pa raw dapat ikonsidera. Tulad ng transportation, storage, distribution at pag-track sa mga mababakunahan.
Hindi lang aniya sapat na supply ang magiging solusyon para sa herd immunity ngunit nakadepende rin umano ito sa logistics ng local government units (LGUs).
Paglilinaw nito na posible pang mabago ang inoculation program ng gobyerno sa oras na maayos na nila ito. (Josephine Patricio)