Advertisers

Advertisers

Tax, duty exemption para sa COVID-19 vaccines lusot na sa House committee

0 272

Advertisers

PAG-IISAHIN ng Committee on Ways and Means ang limang panukala na layong gawing libre sa buwis o tax-free ang mga bakuna at iba pang critical medical products.
Aamyendahan ng panukala ang Sections 12 at 16 ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Bill kung saan nakapaloob dito ang VAT exemptions para sa COVID-19 vaccines, PPEs at mga gamot para sa COVID-19 at iba pang karamdaman.
Sa naging pagdinig ng komite ngayong araw, napagkasunduan na gawing batayan ang House Bill 8375 ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon kung saan i-e-exempt sa lahat ng import duties, taxes at iba pang bayarin ang lahat ng vaccines, medical products, essential goods, equipment at supplies tuwing may public health emergency.
Paliwanag ni Ways and Means Chair Joey Salceda, sang-yon siya na hindi lamang ngayong may COVID-19 pandemic dapat ilibre sa mga buwis ang mga bakuna, testing, gamot at mga critical medical products and supplies dahil posibleng may iba pang panganib na kakaharapin ang bansa.
Tiniyak din ng kinatawan na walang magiging problema ang amyenda sa CREATE bill na hinihintay na lamang ang lagda ng Pangulong Duterte.
Aniya, ang probisyon sa CREATE ay bukas naman sa iba’t ibang interpretasyon tulad ng kung ang tax exemption ay ipapataw ba sa importers o para lamang sa mga registered enterprises. (Henry Padilla)