Advertisers
AMINADO si Justice Sec. Menardo Guevarra na ipapakita na ng Philippine National Police (PNP) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nakalap nilang ebidensya sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera.
Ayon kay Guevarra, ngayong araw ng Lunes, ipapakita ng PNP sa NBI ang ilan sa mga nakolekta nilang ebidensya kaugnay ng kaso.
“PNP will share its evidence (specimens, garments, mobile phones) with the NBI on Monday; the NBI will complete and finalize its report soon thereafter,” ayon sa kalihim.
Dahil sa koordinasyon ng dalawang tanggapan, inaasahan daw ni Guevarra na ngayong linggo matatapos ng NBI ang report sa imbestigasyon nito sa kontrobersyal na kaso.
“I was informed that after receiving certain specified pieces of evidence from the police on Monday, the NBI will be in a position to wind up its investigation within the week, and submit its report to the DOJ for the consideration of the investigating prosecutor,” sinabi pa ni Guevarra.
Matatandaang namatay ang 23-anyos na flight attendant matapos mag-celebrate ng bagong taon sa City Garden Hotel, Makati City kasama ang ilang kaibigan.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring matibay na ebidensyang nagpapatunay na ginahasa ang dalaga.
Taliwas sa akusasyon ng kanyang pamilya, at inisyal na hatol ng Makati City police. (Josephine Patricio)