Advertisers
MATAPOS ang mahigit isang buwan pagtatago, balik kulungan ang isa pang preso na nakatakas sa selda ng Galas Police Station 11 ng Quezon City Police District matapos maaresto ito sa operasyon sa Pasig City kungsaan ito nagtatago.
Kinilala ang nadakip na si Joel Sanchez, 38 anyos, residente 96 ROTC Hunters, Barangay Tatalon, Quezon City.
Ayon sa report, 2:30 ng hapon nang madakip ng binuong tracker Team si Sanchez sa 51 Countryside St., Sta. Lucia, Pasig City.
Kasama si Sanchez sa apat na mga preso na tumakas sa PS11 noong Enero 7, 2021 nang malagare nila ang rehas na bakal.
Unang nadakip si Ronald Buenafe noong Enero 9 sa Purok 9, Area B, Brgy. Sta. Cruz, Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan; habang Enero 30 nadakip si Glenn Louie Limin sa Las Palmas Subd., Sta Maria Bulacan.
Pinaghahanap pa ang isang kasamahan nilang nakatakas na nagngangalang Marvin Incio.
(Boy Celario)