Advertisers
NAHULI sa search warrant implementation ang isang opisyal ng barangay sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang naaresto na si Moises Seniel lll, 38 anyos, may asawa, Kagawad ng Brgy. Malayan sa M’lang, Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director, Colonel Henry Villar, hinalughog ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Cotabato), Police Intelligence Unit ng Cotabato Police Provincial Office, 1st CPMFC, at Mlang PNP ang mismong bahay ng barangay kagawad kungsaan nakita ang 2 medium sachets ng shabu na nasa 10 gramo at nagkakahalaga ng P68,000.