Advertisers

Advertisers

Magsasaka pinatay ng kainuman sa Aklan

0 258

Advertisers

PATAY ang isang magsasaka nang barilin ng kaniyang kainuman sa bayan ng Madalag, Aklan gabi ng Lunes.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Nacuspag, 44 anyos, habang ang salarin ay nakilala sa alyas “Junjun.”
Sa report, pagkatapos magtrabaho ni Junjun, niyaya niya si Nacuspag na mag-inuman. Pero nang malasing hinanap ng una ang isang nawawalang bote. Nang malamang inuwi ito ni Nacuspag, pinuntahan niya ito sa bahay nito at kinumpronta.
Bigla umanong tinaga ng biktima si Junjun kaya dali-dali itong umuwi sa bahay at kumuha ng baril at binalikan at pinutukan si Nacuspag.
Agad nahuli si Junjun pero itinanggi nito ang krimen.