Advertisers

Advertisers

Bishop Pabillo may payo kay Pres. Duterte: ‘Magbago ka’

0 212

Advertisers

PINAYUHAN ni Manila Bishop Broderick Pabillo si Pangulong Rodrigo Duterte na magbago lalo na ngayong panahon ng Kwaresma.
Ayon kay Bishop Pabillo, gamitin sana ang Kwaresma bilang panahon ng pagbabago.
“Ang payo ko ay payo sa lahat, na sana kunin natin ang panahon na ito na panahon ng pagbabago at lahat naman tayo ay kailangan magbago. Hindi naman makapagsasabi na hindi ko na kailangan na magbago. Magbago sa pananalita, sa ating pakikitungo sa kapwa,at sa ating pagkalinga sa lahat,” pahayag ni Pabillo.
“Nasa diwa ang pagpasok nito, lahat tayo ay nangangailangan ng pagbabago at paglapit sa Panginoon,” pahayag ni Pabillo.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na istupido ang Panginoon.