Advertisers

Advertisers

Bong Go, tiniyak na patuloy ang giyera ni Duterte vs droga, korapsyon

0 237

Advertisers

MULING tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na patuloy na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian at illegal drugs, gayundin ang pag-agapay sa mga indibidwal at kanilang pamilya na nabiktima nito.
“As we continue to intensify our campaign against corruption, criminality and illegal drugs, efforts to protect the welfare of the victims are also equally prioritized,” ayon kay Go.

“This is in fulfillment of our President’s promise of tapang at malasakit,” iginiit ng senador.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, binatikos ni Go ang masamang impluwensiya ng iligal na droga sa lipunang Filipino dahil nakasisira ito ng mga pamilya at buhay ng bawat indibidwal.



“‘Pag meron pong naging biktima ng droga sa pamilya, maniwala kayo sa hindi, talagang sira na ang pamilya. Iwanan mo ‘yung pitaka mo diyan sa bahay mo, nanakawin na bukas ‘yung laman kapag meron pong adik sa pamilya. Apektado talaga ang buong pamilya,” ani Go.

Ipinunto ng senador na tinutugunan din ng mga awtoridad ang pagtugis sa mga kriminal na responsable sa drug-related crimes.

Nakatutok din aniya ang atensyon ng pamahalaan sa pagtulong o rehabilitasyon at pagbangon ng mga biktima ng illegal drugs.

“Apart from the fight for the nation’s safety and security against the menace of illegal drugs, attention must also be directed towards the rehabilitation and recovery of its victims,” sabi ni Go, chairman ng Senate committee on health.

Kaya nga kabilang sa tinatalakay ng kanyang komite ang Senate Bill No. 399 na kanyang inihain noong 2019 na sumusuporta sa kampanya laban sa illegal drugs sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang drug rehabilitation center sa bawat probinsiya, sa ilalim ng pamamahala ng Department of Health.



Idiniin ni Go na ang bawat indibidwal na gumon sa droga ay itinuturing na biktima ng drug criminals, sindikato at mga oportunista na dapat panagutin ng batas.

“Drug dependents should be treated as victims in dire need of medical, psychological, and spiritual help, with a chance of being successfully reintegrated into society as healthy and productive citizens. Pwede naman pa po natin silang bigyan pa po ng panibagong buhay,” ayon sa senador.

“We can now intensify our efforts in helping our fellow Filipinos take back their lives from the dark grip of dangerous drugs and the menace it creates,” sabi pa niya. (PFT Team)