Advertisers
NASAWI ang hepe ng Public Order and Safety Office (POSO) ng bayan ng Calasiao, Pangasinan nang pagbabarilin Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Reynaldo Bugayon, 54 anyos, ng Barangay Dinalaoan.
Sa ulat, papasok na sa trabaho ang biktima at sakay ng motorsiklo nang sundan ng apat na salarin na nakasakay sa dalawang motorsiklo at pinagbabaril sa gilid ng kalsada.
“Mula sa bahay, naka-motor siya at doon na siya sinabayan ng mga bumaril at dito naabutan sa Barangay Lasip. May nakaabang na dalawang naka-motor at nag-match yon doon sa CCTV,” ayon kay Police Lieutenant Ferdinand de Asis, hepe ng Calasiao Police.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.