Advertisers

Advertisers

SUNDALO NG ARMY NAMARIL SA PAG-REIMBURSE NG P2K SA KAPITOLYO SA BAGUIO

0 293

Advertisers

IPINASAKAMAY ng 503rd Infantry Brigade ng Philippine Army sa pulisya ang sundalong bumaril sa dalawang empleyado ng kapitolyo ng Kalinga na nagresulta sa pagkasawi ng isa sa Tabuk City, Baguio, Lunes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Denver Sangdaan Tubban ng Purok 1, Bulanao, Tabuk City, Kalinga; at ang sugatan ay si Jenner Bananao Ewad ng Magnao, Tabuk City.
Aang namaril na sundalo ay kinilalang si Corporal Denmark Baddongon, kasapi ng 503rd Infantry Brigade, Philippine Army, taga-Naneng, Tabuk City.
Sinabi ni Police Colonel Davey Vicente Limmong, provincial director ng Kalinga Police Provincial Office, na nasa kustodiya na ng militar si Baddongon.
Sa report, nagtungo si Baddongon sa Florendo Compound sa Purok 6, Bulanao, Tabuk City na may dalang baril at dito niya kinumpronta si Tubban para sa reimbursement daw ng kanyang P2,000.
Kuwento ng testigo, ipinutok ni Baddongan ang kanyang baril ng ilang beses kaya pinagsabihan ito ni Tubban.
Dito ay tuluyang binaril ni Baddongon si Tubban ng ilang beses bago pinagbabaril si Ewad nang tinangka nitong tulongan ang sugatang si Tubban.
Dead on arrival sa pagamutan si Tubban na nagtamo ng anim na tama ng bala ng baril, habang nasa mabuti nang kalagayan si Ewad.
Napag-alamang nagpasundo sa militar ang salarin mula sa bahay ng kanyang ina at hindi ito naka-duty nang mangyari ang insidente.
Sinabi ni Col. Limmong na nasa impluwensiya ng alak si Baddongon nang mangyari ang krimen.
Mahaharap si Baddongon sa kasong murder at frustrated murder.