Advertisers
PINAGBABARIL ng dating nobyo ang isang bagong panganak na babae sa Mangakdan, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Theresa “Tere” Biagtan na namatay sa anim na tama ng bala ng baril.
Sa salaysay ng kapatid nito na si Sarah at ng text message, itinuring na pangunahin salarin ang isang Rommer Gonzales.
Si Gonzales din ang ama ng bagong silang na sanggol ni Biagtan.
Ayon sa report, isa sa mga motibo ng pagpatay ang kostudiya ng bata.
Sasampahan ng kasong murder ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa BJMP-Pangasinan.