Advertisers

Advertisers

Killer ng 4 pulis sa Negros todas sa Mandaluyong

0 277

Advertisers

PATAY ang isang miyembro ng New People Army (NPA) na pangunahing salarin sa pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental noong June 2019 nang makaengkwentro ang mga otoridad sa operasyon sa Mandaluyong City , Miyerkules ng umaga.
Kinilala ni Philippine National Police Chief, Gen Debold Sinas, ang napatay na si Ryan Sandag Manguilimutan alyas “James” at “Ka Ignacio”.
Ayon kay Sinas, 7:00 ng umaga nang magsagawa ng ope-rasyon ang pinagsanib na mga elemento PNP Special Action Force, PNP Intelligence Group, CIDG, NCRPO, at Negros Oriental Police Provincial Office sa Gen. Kalentong, Daang Bakal, Mandaluyong.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na ipinalabas ni Judge Rosario S. Carriaga ng Regional Trial Court Branch 75 ng Bais City.
Nanlaban umano ang suspek, pinaputukan ang mga otoridad, dahilan para gumanti ng putok na nagresulta ng pagkasawi nito.
Ayon sa ulat, na-re-recruit si Manguilimutan ng mga rebelde sa ilalim ng Northern Negros Front (NNF), KR-NCBS noong 2013. Nalipat ito sa Regional Strike Force (RSF) ng KR-NCBS noong 2016 at naging regular na miyembro ng CN3 noong January, 2018
Nabatid na isa si Mangui-limutan sa mga rebelde na humarang at pumatay sa 4 na miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 7 sa Brgy. Mabato Ayungon, Negros Oriental noong June 18, 2021.
(Mark Obleada/(Gaynor Bonilla)