Advertisers

Advertisers

Long COVID kinikilala na ng mga eksperto sa bansa

0 181

Advertisers

BINIBIGYAN na ng atensyong medikal ang pagkakaroon ng sintomas ng Covid-19 sa mahabang panahon kahit gumaling na sa sakit.
Ito ay dahil kinikilala na ng mga eksperto sa bansa ang tinatawang na “long Covid”.
Kumpara sa nakaraang taon ang naturang mga kondisyon o pagkakaroon ng sintomas matapos na gumaling sa sakit ay hindi iniuugnay sa Covid-19.
Nasa libo na ang pasyente na dating tinamaan ng sakit ang muling nakararanas ng long Covid o mga kumplikasyon matapos dapuan ng virus, ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng San Lazaro Hospital Infectious Diseases.
Karamihan sa mga sintomas ay sobrang pagod, hirap sa pagtulog, pagiging makalimutin, at kawalan ng panlasa at pang-amoy.
Bukod dito, mayroon din umanong severe symptoms tulad ng pneumonia o sakit sa puso, na nagiging sanhi ng pagkamatay.
“We already recognize that this Long COVID is already an accepted and recognized complication among patients who recovered from COVID-19 and there are already a lot of patients especially for our local patients,” ayon kay Solante.
Nagsasagawa rin ang mga medical experts ng counselling sa mga pasyente na dinadapuan din ng ‘psychological effect’ dahil sa hindi mawalang mga sintomas.
Maaring ang mga sintomas o kumplikasyon ay dulot ng pagiging stress ng immune system ng katawan sa paglaban sa virus ayon naman kay Dr. Eric Tayag, direktor ng Knowledge Management and Information Technology Service ng Department of Health.
Dagdag pa ni Tayag, napakahalaga aniya na huwag balewalain ang anumang sintomas o pagkakasakit na hindi related sa Covid-19.
Aniya ito ay maari o maaring hindi ngunit huwag babalewalain. (Jocelyn Domenden)