Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
BUKOD sa bagong themesong na kinanta para sa hugot series na same title na “Parang Tayo Pero Hindi” na palabas na sa VivaMax at pinagbibidahan nina Xian Lim, Kylie Versoza, at Marco Gumabao, na-surprise si Marion Aunor sa tawag ng Viva para sa malaking proyekto ni Sharon Cuneta na kasama siya sa cast.
Excited na si Marion to shoot at siyempre for her ay isang malaking achievement ang makagawa ng movie kasama ang Megastar na nagawan niya ng komposisyon.
Mula sa pagkanta ng mga movie themesong sa Viva tulad ng Akala at Delikado ay naaabot na ni Marion ang tagumpay para sa kanyang singing career at ngayo’y acting career din.
Aside sa Viva movie ay inaabangan na rin ng fans ng young Sultry Diva ang movie niya with Gerald Santos na “TOGS” na isang romantic-comedy film na dinirek at sinulat ng Palanca awardee na si Direk Njel de Mesa.
Kwento ito ng magkaibigan (Marion and Gerald) na parehong musicians na dumaan sa hardships, struggles, at heartaches na sa bandang huli ay nagkatuluyan.
Aming napanood ang trailer ng movie and for me, bilang newcomer sa pag-arte ay pasado ang acting ni Marion na namana niya sa Mommy na si Maribel Aunor na sikat na singer at artista noong panahon niya.
Yes, nakipagsabayan si Marion sa husay ng international stage actor na leading man na si Gerald. Born natural actress si Marion kaya may puwang din ang gaya niya sa movies. Ang said singer-actress din ang kumanta ng themesong ng Togs.
***
“TARAS” Movie Na Pinagbibidahan Ni Dennis Cruz Ipinagmamalaki Ni Direk Reyno Oposa; Poster Mala-Hollywood
Last Feb 20 ay kinunan sa dalawang location sa condo ni Direk Reyno Oposa sa SMDC Tower 9 sa may Fairview at sa Payatas ang latest movie nito na “TARAS” na intended for Cinemalaya.
Dumalaw kami sa set ng movie sa Payatas sa mismong lumang bahay ni Direk Reyno at kinunan sa lugar nila ang eksena ni Dennis Cruz (anak ni Rosanna Roces), newcomer leading lady na si Kate Dennis Li at vlogger at ngayo’y pinasok na rin ang showbiz na si Thania Pukutera from Mindoro.
Ang eksena ay nasa loob ng kotse sina Dennis at Kate, habang si Thania ay binebentahan sila ng tinda nitong basahan. Suki na ng said vlogger si Dennis sa kanyang basahan na sa huli ay magiging mitsa pala ng kanyang buhay dahil papatayin siya ng character ni Dennis na isang rude guy, na walang pakialam sa mundo. Naunang kunan ‘yung condo scene ni Dennis na inaaway ang sarili na dinirek via zoom ni Oposa na ayon pa sa director-writer ay napabilib siya sa anak na ni Osang na mahusay umatake ng role.
Para naman kay Dennis ay malaki ang pasasalamat niya kay Direk Reyno sa ibinigay ng oportunidad sa kanya para pagbidahan ang TARAS. Kasama rin sa pelikula ang Urduja Best Actress na si Elizabeth Luntayao, na gaganap na mother ni Thania.
Inilabas na ang poster ng movie at mapapa-wow ka at mala-Hollywood movie ang dating na si Neil Espirito ang nag-layout na cinematographer din ng film.
Co-directors ni Oposa sa TARAS sina Benedict Pioquinto at Jessamine Maranan. Nasa credit din ang inyong columnist bilang matagal nang publicist ng Ros Film Productions na pag-aari ni Direk Reyno Oposa.