Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SUNUD-sunod ang blessings na natatanggap ng The Lost Recipe star na si Kelvin Miranda. Marami ang nakapansin sa kanyang napakaganda at bonggang billboard bilang endorser ng isang clothing at lifestyle brand sa EDSA.
Inamin ni Kelvin — na kilala rin ngayon as Chef Harvey dahil sa kanyang hit show — na bata pa lang siya ay curious na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng billboard.
“Sa totoo lang po, mula noong bata ako iniisip ko kung ano’ng pakiramdam na magkaroon ng billboard at nasagot lamang ang katanungan na ‘yun gawa nitong billboard sa Bench,” ani Kelvin.
Natatawa pang inamin ni Kelvin na napa-wow siya nang makita ito. “Kakaiba ‘yung pakiramdam dahil namangha ako sa sarili nang makita ko sa EDSA ‘yung billboard ko.”
Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ratings at sa social media ang The Lost Recipe na kasama niya si Mikee Quintos. Kanya-kanyang theory ang viewers at netizens kung ano ang mangyayari sa serye dahil sa dami ng twists at revelations nito.
Panoorin ang kapana-panabik na kuwento ng The Lost Recipe, 8:15 p.m. sa GTV.
***
NGAYONG Sabado sa Magpakailanman, panoorin ang kakaibang kuwentong pag-ibig ni Christine. Patutunayan niya na hindi dahil isa siyang babae ay hindi na siya puwedeng gumawa ng unang hakbang para magka-lovelife.
Para kay Christine, hindi lang lalaki ang pwedeng umamin ng nararamdaman niya para sa taong mahal niya. Kaya naman, halos maubos niya ang alphabet kaka-plano para mapansin lang siya ng super crush niyang si Enzo.
Pero si Enzo, naaasiwa sa kakulitan ni Christine! Hindi rin niya trip ang palaging over-the-top na attire nito. Dumating na sa punto na halos itaboy na nito palayo si Christine.
At tulad ng ibang lalaki na nasasaktan at nawawalan ng pag-asa, gusto na ring sumuko ni Christine.
Tuluyan na nga bang mawawasak ang puso niya? Anu-ano kayang mga aral ang matutunan ni Christine sa journey niyang ito?
Abangan sa #MPK ngayong Sabado, February 27, ang pagganap nina Kate Valdez at Migo Adecer sa isang kuwentong puno ng hugot, aral sa buhay at pag-ibig. Makakasama rin nila sa episode sina Karenina Haniel at Jerrick Dolormente.
Ang “My Stalker Girlfriend” ay sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni Loi Nova at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos.
***
LAGING pasok sa trending list tuwing Linggo ang reality kiddie singing competition ng GMA Network na ‘Centerstage’ dahil sa mas tumitinding labanan ng aspiring Bida Kids.
Sa nakaraang episode, bilib ang Kapuso viewers sa pinakabagong grand finalist na si Colline Salazar dahil sa kaniyang powerful performance ng kantang ‘Memory.’
Umani ito ng positive feedback mula sa netizens na talaga namang nakatutok sa kani-kanilang mga tahanan.
Inuulan din ng papuri ang programa online dahil sa husay ng concept pati na rin ang galing ng mga host at judges. Sey pa ng mga manonood sa social media, “Sulit ang panonood ng Centerstage! The set, the talented kids and the versatile at gwapong host!”
Dagdag pa ng iba, “Kudos to Centerstage for giving equal opportunities to kids.”
Samantala, excited na rin ang Centerstage fans sa grand reveal ng kanilang virtual set na first time masasaksihan sa Philippine TV. Simula February 28, gagamit na ng makabagong teknolohiya ang show para patuloy na maghatid ng world class entertainment para sa mga Kapuso.
Buong pagmamalaki ng host na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, “Another first na naman ‘to, another breakthrough ng GMA, the first television show to use a virtual set. ‘Yung virtual set kailangan abangan nila ‘yan.”
Huwag palalampasin ang mas pinabonggang ‘Centerstage’ simula ngayong Linggo, Pebrero 28, pagtapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA-7.