Advertisers

Advertisers

Say ng vaccine experts, para mailigtas ang buhay: ‘MAGPABAKUNA NA KAYO!’

0 288

Advertisers

ITO ang mariing ipinunto nina Dr. Lulu Bravo ng Philippine Foundation for Vaccination at Dra. Nina Gloriani sa ‘Meet the Press’ virtual forum ng National Press Club nitong Biyernes ng umaga.
Ayon kay Dr. Bravo, dapat magtiwala ang sambayanan sa vaccine na galing sa China dahil ito ay dumaan sa masusing pag-aaral.
Si Dr. Bravo, 70 anyos, ay 45 taon nang pediatrician at 35 taon nang vaccine trialist kabilang dito ang bakuna sa flu, dengue, polio, meningitis at diarrhea.
Binanggit ni Dr. Bravo na bago paman dumating ang pandemya ngayon na Covid 19 ay dalawampung taon nang nagpaalala ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na gumawa ng bakuna ngunit walang nakinig, walang gumawa.
Ngayon, aniya, ay nagsama-sama na ang malalaking bansa gaya ng US, Russia, Germany, China at iba pa sa pag-formulate ng bakuna laban sa virus.
Ipinunto ni Dr. Bravo na hindi dapat pagdudahan ang SINOVAC na gawa ng China lalo na at sa China galing ang genetic code na pinagbatayan ng mga bansa sa paggawa ng bakuna laban sa coronavirus.
Ipinaliwanag pa ni Dr. Bravo na hindi dapat makinig sa mga maling impormasyon laban sa SINOVAC at sa halip ay magtiwala sa mga sinasabi ng mga eksperto.
Wala aniyang puwang sa siyensiya ang mga hearsay.
Iginiit pa ng duktora na walang monopolyo ang paggawa ng bakuna at dapat magpasalamat sa China dahil ibinahagi nila sa buong mundo ang genetic code.
Sabi ni Dra. Bravo, kung ang isyu sa Dengvaxia ang dahilan kaya natatakot ang marami magbakuna ngayon, wala aniyang katotohanan na nakamamatay ang Dengvaxia. Wala aniyang patunay na ang mga namatay na bata na naturukan noon ng Dengvaxia ay dahil sa naturang bakuna. Hanggang ngayon, aniya, ay ginagamit parin ang Dengvaxia sa buong mundo.
Ganito rin ang naging paliwanag ni Dra. Nina Gloriani, head ng Department of Science and Technology (DOST).
Sabi ni Dra. Gloriani, magtiwala lamang sa bakuna dahil ito ang magliligtas ng buhay, at hindi sa kung kanino na walang alam sa science.
Ayon pa kay Dra. Gloriani, maging ang mga may karamdaman tulad ng diabetes, sakit sa puso at iba pa ay puwede magpabakuna kontra Covid-19. Kailangan lamang na humingi ng clearance sa duktor. (Gina Mape)