Advertisers

Advertisers

2 BoC personnel sa Bulacan warehouse raid kinasuhan

0 2

Advertisers

NAGHAIN ng reklamo ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) laban sa dalawang tauhan ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng kontrobersyal na operasyon sa isang warehouse sa Bulacan noong Agosto 19.
Sa pitong pahinang reklamo na inihain noong Agosto 28, hiniling ni HPG Police Corporal Melvin Habbiling na isama sa preliminary investigation sina BOC Special Agent Lucky Joy “Joy” Solmayor at Technical Support Staff Alexander “Alex” Arroyo Jr.
Batay sa sworn affidavit ni Jesus Froilan Acebes Car-piso, tinukoy na middleman sa transaksyon, naroon ang dalawang BOC personnel sa warehouse nang isagawa ng Regional Highway Patrol Unit-National Capital Region (RHPU-NCR) ang opera-syon.
Sinabi ni Carpiso, sina Solmayor at Arroyo ang tumanggap ng bayad kapalit ng 225 kahon ng smuggled Red Carnival cigarettes.
Hiniling din sa reklamo na isama sa imbestigasyon ang isang Jocelyn Miano Bancairen, at maglabas ng mga kaukulang subpoena habang tinutukoy ng proseku-syon kung may probable cause laban sa mga respondent.
Wala pang pinal na finding ang prosekusyon hinggil sa mga alegasyon laban sa mga nabanggit na indibidwal.
Nag-ugat ang kaso sa operasyon ng HPG noong Agosto 19 nang magkaroon ng komprontasyon ang mga operatiba nito at mga tauhan ng Customs sa naturang warehouse.
Ayon sa naunang pahayag ng PNP-HPG, 13 tauhan nito, kabilang ang pinuno ng HPG-NCR, ang administratibong ni-relieve epektibo noong Agosto 20 upang bigyang-daan ang patas na imbestigasyon sa insidente.
Naunang sinabi ng BOC na nagsasagawa noon ang kanilang mga tauhan ng lehitimong cigarette incineration operation at tinawag nitong “unacceptable” ang naging komprontasyon.
Lumitaw din sa paunang pagsisiyasat na nagkaroon ng operational confusion at ibang lokasyon ang orihinal na target ng HPG operation.
Patuloy ang magkahiwalay na imbestigasyon upang matukoy ang pananagutan ng mga sangkot sa insidente.