Advertisers

Advertisers

Pulis sabog ang ulo sa boga ng holdaper

0 2

Advertisers

DEAD on the spot ang isang pulis nang barilin sa ulo ng holdaper sa isang opera-syon ng Sta. Teresita Municipal Police Station sa Barangay Sampaga ng Balayan, Batangas.
Kinilala ang biktima na si PSSg Von Rico Bibaño Macuha, 32 anyos, miyembro ng Sta. Teresita Municipal Police Station.
Habang ang salarin na napatay din ay si Carlo Zape Arcilla, nasa hustong gulang, ng Balayan, Batangas.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis kaugnay ng isang naunang nabigong robbery incident sa isang convenience store nang mapansin sila ng suspek at kaagad nagpaputok, kungsaan nasapul sa ulo si PSSg Macuha.
Mabilis na tumakas ang salarin patungo sa direksyon ng Barangay Calantas, Calaca City sakay ng isang motorsiklo.
Sa joint follow-up at hot pusuit operation ang mga awtoridad, muling nakatakas ng salarin sa check point, bago nakorner sa lugar ma-lapit sa Calle Ruega, boundary ng Nasugbu, Batangas at ng Cavite, at doon napatay ito ng mga humahabol na awtoridad.
(Koi Laura)