Advertisers

Advertisers

PBBM, itinutulak mas malawak na paggamit ng P20-K PhilHealth GAMOT benefit

0 19

Advertisers

GUSTO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas maraming Pilipino ang makinabang sa P20,000 taunang pondo para sa gamot sa ilalim ng PhilHealth GAMOT program, habang target naman ng Food and Drug Administration (FDA) na maubos ang nakabinbing aplikasyon sa loob ng isang taon.

Sa pulong sa Malacañang noong Oktubre 21, inatasan ng Pangulo ang PhilHealth at Presidential Communications Office na palakasin ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa GAMOT benefit sa pamamagitan ng mga barangay health worker, lokal na pamahalaan at tradisyonal at digital na media.

Marami umanong rehistrado sa YAKAP program ang hindi pa nakikinabang sa naturang benepisyo.



Samantala, nangako si FDA Director General Margarita Gutierrez na tatapusin sa loob ng isang taon ang mga nakabinbing aplikasyon. Plano ng ahensya na kumuha ng 125 karagdagang evaluator at limang systems analyst upang mapabilis ang proseso.

Kabilang din sa mga hakbang ng pamahalaan ang digitalisasyon ng serbisyong pangkalusugan at pilot testing ng bagong sistema para sa mga botika sa Nobyembre.



Layunin ng mga hakbang na mapadali ang pagkuha ng gamot at matiyak na mas maraming Pilipino ang aktuwal na makikinabang sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">